Wednesday, February 29, 2012

Awit ni Isagani

Ang nais ko sana ay umibig tulad ng Lawin
Ang nais ko sana'y lumipad kasama nya
Ang nais ko sana ay isang Lawin na aawitin sa akin ang awit nya

'Eto ako nag iisa, balisa't walang kasama
Tulad ako ng Lawin, umaawit sa kanyang sarili
Awit nya'y nakakaaliw ngunit walang nakakaintindi

May nakapagsabing kung umibig ang Lawin'y matindi
At kung ito'y sawi mananatili lamang sa sarili.

- awit ni Isagani